Oh mga ka-chismis, naalala niyo ba noong dineny ni University of Sto Tomas (UST) Tigress/ Volleyball Spiker na si EJ Laure siya ay buntis several years ago? Ito yung panahon na bigla na lamang siyang nawala parang bula from the season games. Ang idinahilan pa niya noong time na yun ay ang kanyang “shoulder injury” well, umamin na rin sila na hindi naman “ shoulder injury” ang dahilan kung hindi “pregnancy.”
Bakit ba kasi kailangan niyo pang itago yung katotohanan?
Si Laure at Cariño ay nag post sa kani-kanilang social media accounts para icelebrate ang 18th birthday ni Bugoy.
Ito ang pinost ni Cariño sa kanyang Facebook page “Happy Birthday to me!!!! Happy to have a family na mahal na mahal ako.Pag sisikapan ko itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet !”
Sa hiwalay na post naman ay may pa -video si Laure para sa kanyang long-time boyfriend at partner.
Ito ang sinabi niya sa video “Happy birthday, Mahal. Thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby Scarlet! We love you so much, daddy.”
Ang UAAP Rookie of the Year ay pinanalo ang Tigresses sa 2019 Premier Volleyball League Collegiate Conference ngunit ito ay napunta sa Adamson Lady Falcons.
Ang former UST skipper ay nagbalik sa team at sinamahan niya ang kanyang younger sister na si EVA sa UAAP Season 82, sayang nga lang at ito ay na-udlot dahil sa Covid 19 pandemic.
Ms. Laure at Mr. Cariño next time, wag na po kayong magtago ng mga balita na totoo, tandaan, ang lahat ng katotohanan ay lalabas at lalabas parin. Wag ninyong ikahiya ang baby niyo, isa siyang blessing.