UAAP SPORTS TEAMS!!!! Ano na po ba ang nangyayari? Hindi ba dapat ay tayo ang unang unang nagbibigay ng good example sa mga kabataan?
Ayun kay Parasol hindi naman daw talaga – ang kanilang team. Welcome na welcome daw mga ka-chismis ang UAAP Board of Managing Directors mag investigate ng maigi tungkol dito kasi wala naman daw silang guilty conscience. Walang health protocols violated during the heavy implementation ng quarantine.
Tandaan natin na ang bawal tsismis, totoo man o hindi ay may bahid ng kahit konting katotohanan.
Ilang media outlets na ang nag-report na ang Maroons ay may video at images taken during their supposedly” non- existent” training sessions habang naka General Community Quarantine.
Ayun sa rules ng Joint Administrative Commission na pirmado ng Games and Amusement Board at ng Department of Health ay ang 3 x3 games lang ang pwedeng type ng practice na magaganap sa ngayon.
Todo deny naman itong si coach Perasol sa mga allegations na ito.
Nagviolate nga ba ng covid 19 quarantine protocols ang UP Fighting maroons o di kaya isa lamang itong tunay na tsismis na meant para isabotage ang kanilang reputation?
Naganap daw ito sometime noong July saktong sakto naman ito sa pag secure nila sa mga bagong players na sina Carl Tamayo at si Gerry Abadiano.
Coincidence din nga ba ang Governor ng Cavite na si Jonvic Remulla ang kanilang team manager?
Ang “probe” ay magaganap ngayong araw, Thursday, ayun sa statement ng UAAP. Baka ito na ang tinutukoy nilang “other related cases”

Baka may gusto pang humabol sa controversies dyan? Ilabas niyo na ang mga video and photo evidences ng magka-alaman na.