In the land of protocol violations sa panahon ng covid 19 pandemic, ang Phoenix Suns naman ay naging isang maganda example para sa mga ibang teams sap ag suspend nito sa kanilang head coach dahil sa pag violate nito sa health and safety guidelines ng Philippine Basketball Association (PBA). Wala silang favoritism at they do not tolerate bad behavior.
Ang Management ng Phoenix cited a total of three violations na violated by Alas sa unang unang araw ng kanilang workout last week.
Una, pina-tape niya ang kanyang mga dalirit sa team physical therapist, pangalawa ay pumasok siya ng nag nagdedecontaminate pa muli at pangatlo pumasok siya bago pa sa scheduled time ng next batch ng players.Ang champion coach ay nagbigay ng paliwanag dahil sa pagviolate nito.
Aba! mga ka-chismis, bakit nalang lahat ng sports heads ay may excuse na “valid” daw? Akala ba nila above the rules sila? Ano sa tingin niyo?
Sabi ni Alas masakit na daw talaga ang kanyang mga daliri kung kaya’t ito ay pina-tape niya ng silang dalawa lang ng physical therapist. Teka teka, mali ka parin dun sir!
At tungkol naman sa pagpasok niya ng hindi pa oras, ginawa naman daw niya ito bago dumating ang first batch ng players para mag practice. MALI parin yun sir!
Anyway,tinanggap ni Alas ang decision ng Management at binigyan niya ito ng pasasalamat dahil sa strict-implementation ng guidelines against COVID 19.
Ang iginiit pa nito, hindi naman daw niya jinujustify ang kanyang action niya pero gusto lang daw niya makita sa court ulit ang Fuel Masters para maghanda para sa PBA Season.
Well dear sir, hindi po nakakatulong ang pagviolate ng rules para makapag practice ng mabuti ang team niyo.
Hindi na siya nakakapag attend ng last two workouts ng Phoenix. Gumagamit na lamang siya ng text at viber.