Natapos na ng University of Sto Tomas ng investigation nila sa mga pangyayari sa kanilang basketball team na ang Growling Tigers dahil sa kanilang alleged “bubble training”. Sila ay nagpasa na ng findings nila sa UAAP ayun kay Games and Amusement Board chairman Abraham Mitra noong Miyerkules
In the meantime sa gitna ng kaguluhan na nagaganap sa kanila, nagresign na bilang athletic director si Fr.Jannel Abogado OP na three years pa lamang sa kanyang pwesto. Ito ay dahil sa mga intriga na bumabalot sa men’s basketball team nila.
According to our sources, kinonfirm nila ang development na ito noong Miyerkules din ng umaga bago mag meeting ang the Joint Administrative Order Group at ang UAAP officials ukol sa mga speculated unauthorized “bubble” training sa Sorsogon.
Muling mag ta-take over si Fr Ermito De Sagon na dati ng director of University of Santo Tomas’ Institute of Physical Education and Athletics, although hindi pa ito official.
Sa leadership ni Fr. Abogado ang UST won six general championships — three sa high school division at three sa college.
Ano na ng aba ang totoong nangyari sa loob ng “bubble “ na ito? Iilang oras lamang pagkatapos ishare ni CJ Cansino ang screenshots na na rereklamo sila tungkol sa pagkain at boredom eh ang isang facebook fan page naman na ang “The Growling Tigers of UST” ay nag share ng gallery ng images na nagpapakita na kumakain sila ng seafood boodle feast at ng Korean bbq habang naka smile at nagtatawanan.

“Ngunit ayun sa mga sources na nandoon ng time na yun hindi daw totoo na masaya sila , planado lang daw at pilit ito ’Yung nasa taas na picture [seafood], ‘yan lang ‘yung isang beses na pumunta kami sa resort,” a source said. “’Yung ibang pictures, sasabihin niya, mag-smile kami kasi ise-send niya sa mga magulang.”
Kung ano man ang tunay na nangyari, one thing is very clear, mayroon talagang nangyari sa Sorsogon, ang tanong ay gaano ka extensive ba ang protocol violation at sino ba talaga ang brains behind this very disturbing actions?
Tanggalin mo na yung fact na ang mga players na ito ay nag “ paalam” sila sa mga magulang nila, pero makikita mo parin gaano ka walang respeto ng mga ibang Pinoy sa ating batas.
Magtataka pa tayo kung bakit tayo numero uno sa covid cases sa Asia?