Mga ka-chismis! Isang University nanaman ang under hot water dahil sa di umanong pag violate ng quarantine protocols ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Ang National University (NU) Lady Bulldog’s ay iimbistigahan narin ng UAAP, PSC at GAB.

Pagkatapos ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers’ “bubble” training problem sa Sorsogon ang spotlight naman ay nalipat sa kanila. Mula ng naglockdown ang team training for non-professional teams ay ipinagbawal. Bukod dito ay ang mga minor de edad 21 and below ay bawal lumabas ng bahay.
Ngunit sa kabila ng mahigpit na mga guidelines na ito ay maraming images at videos na kumalat sa Facebook, Instagram at sa iba’t ibang social media platforms na ang Lady Bulldogs ay nagtratraining mula Mayo pa.
Ayun sa isang team official na piniling mag-remain anonymous ay ang members ng Lady Bulldogs ay na -stranded sa NU Manila Campus mula lockdown at lahat sila ay nakatira lang sa dormitory. Wala silang makuhang mga flights or mga bus arrangements pauwi ng probinsiya dahil sa quarantine protocols. Inaasahan daw nila na sana matuloy ang UAAP Season 82 ng Women’s Volleyball.
Ayun sa official na ito ay “‘Yung mga players natin talagang naiwan kasi akala natin babalik ang UAAP,Nung na-cancel na ‘yung liga last April, hindi na nakauwi ‘yung mga bata dahil ECQ pa tayo nun at wala nang ma-book na biyahe pagbalik sa probinsya”
Idinadagdag pa nito na “Sobrang supportive ng management sa players. Halos 24/7 ‘yung pagkain, ‘yung lodging maayos, everything binigay nila. Anytime din naman puwede umuwi ‘yung players pero napag-desisyunan nila na mas safe sa Inspire.”
Ang huling mensahe nito para sa mga nagtataka at nagtatanong tulad natin ay “‘Yung mga atleta lang natin ang nagkusangloob na mag-gym. Siyempre, nandun na rin naman sila sa Inspire na alam naman natin na sports facility, kaya sinulit nila kesa ma-boring sila dun.”
Abangan ang susunod na yugto ng napaka exciting news na ibinibigay ng UAAP athletes at ang kani-kanilang teams.