Madalas na makikitang nasa headline ang embattled na PBA superstar na si Calvin Abueva, ngunit lately , puros good news naman ito dahil sa mga kabutihin na ginagawa niya, ng asawa niya at ang beauty queen/volleyball player na si Michelle Gumabao na charity work sa pamamagitan ng Your 200 Pesos fund drive at ng restaurant ni Abueva na ang The Beast.
Ito ay napaka layo sa pinagdaanan nitong intriga at gulo dahil sa pag suspend sa kanya ng PBA’s Commissioner’s Office (PCO) 14 months ago dahil sa kanyang grave misconduct, highly unprofessional behavior at very unpredictable na galaw. Matatandaan na siya ay nagkaroon ng dalawang highlighted incidents. Ang una ay ang pakikipag sigawan niya sa girlfriend ni RayPark Jones at ang pangalawa naman ay ang pag “clothesline” o pag knockout nito kay TnT Katropa Player na si Terrence Jones.
“Ayun kay Abueva “Tapos na lahat, resulta na lang ang hinihintay,.Hanggang ngayon yun ang hinihintay ko kung ano ang sasabihin ni Commissioner sa ginawa ko.Yun na lang ang hinihintay ko, yung pakiramdam na welcome ulit ako sa PBA.”
Marami din daw dumarating na offers para siya ay maglaro sa ibang bansa but for Abueva, gusto niyang harapin muna ang lahat ng obligasyon niya dito at patunayan sa lahat na nagbago na siya at handa na siya muling bumalik sa sport na mahal na mahal niya.
Puros psychological test, drug tests at community service work ang pinagawa sa kanya ng PCO. Dahil dito mas nakilala na niya ang sarili niya at kung ano ba dapat ang attitude niya sa buhay at paano ba ang tamang paraan ng pakikitungo sa ibang tao.