
Para kay Coach Brian Shaw, ang dating veteran NBA star na nanalo ng tatlong championships para sa Los Angeles (LA) Lakers, ang pangarap nito ay mabigyan si Kai Sotto at ang kanyang iba pang players tulad ni ang Filipino-American na si Jalen Green mga payo para ma-improve ang kanilang skills at para makapag handa ng mabuti para sa National Basketball Association o ang NBA for short.
Kahit na hindi pa raw ito nakakapag bigay ng oras kay Sotto para ayusin ang kanilang mga plano para sa G-league ( Gatorade League ) o ang Minor Basketball League ng NBA ay nai-kukumpara na daw niya ito kay Serbian-born superstar player na si Nikola Jokic.
Ayun kay Shaw, mukha daw kayang kaya ni Sotto gaya ng mga napanuod nitong mga video sa mga laban nito sa UAAP. Kaya nitong mag dribble at shoot mula sa labas tulad ni Jokic at marami pa itong iba’t ibang klase ng galaw na pwedeng gawin.
Para kay Sotto ang trabaho daw niya ay ito “My job as a coach is to try to develop these guys and teach them as best as I can through my experience on how to be pros on and off the court. So I’m forward to the opportunity to do that,”
Si Sotto ay kasalukuyang nag tra-training sa The Skill Factory in Atlanta, kung saan siya ay nagkakaroon ng pagkakataon lumaban sa ibang pang magagaleng na players.
Ang mga observations ni Shaw tungkol kay Sotto ay isang advantage para sa kanya, lalong lalo na kung ang goal niya ang gawing isang napaka galeng na basketball player ito sa NBA G-league at sana pati sa NBA.