Si Conor McGregor, ang 32- year old na sikat na Irish Mixed -Martial Arts (MMA) expert ay nagbigay ng isang maikling Tweet na ikinagiliw ng mga fans nito sa Twitter at sa iba pang bahagi ng internet. Si McGregor ay nag-tweet ng “Tinatanggap ko “ or “ I accept” in english noong isang araw makalipas ang dalawang linggo mula ng nagsabi ito na maari silang magharap sa isang laban ni Manny Pacquiao sa timbang na 170 pounds.
Bagama’t kilala si Mcgregor sa larangan ng MMA, ito ay tumawid sa larangan ng Professional Boxing sa taong 2017 at kung saan siya ay natalo ni Floyd Mayweather sa laban during the 10th round technical knockout. Ang laban na ito ay nakapagtamo ng 4,400,000 buys on pay-per view.
Mababatid natin na ang Tweet ni Mcgregor ay para maging matunog at ma-curious ang mga fans nila kung ito ba ay isang haka-haka lamang o ito ba ay matutuloy. Matatandaan natin na si Pacquiao ay suma-ilalim na sa parehong management company ni Mcgregor, ang Paradigm Sports Management mula nitong nakaraang Prebrero.
Kung ito ay magaganap, maaring ito na ang maging isa sa mga huling laban ni Pacquiao dahil sa sinabi ng Business Manager nito na si Arnold Vegafria na ang laban sa pamamagitan ng dalawang batikan na manlalaro ay posibleng mangyari sa “last part “ ng Career ni Manny.
Ang 41- year old na si Pacquiao, sa huling laban nito, ay natalo niya si Keith Thurman para sa WBA-Super welterweight noong Hulyo ng nakaraang taon.
Si Mcgregor naman ay huling lumaban noong nakaraang Enero sa UFC 246 main event. Tinalo niya si Donald Cerrone sa pamamagitan ng Technical Knockout sa loob ng 40 -seconds. Pagkatapos ng laban na ito nag retiro na siyang muli. Ito ang ikatlong beses na niyang pag-reretiro sa loob ng apat na taon.