
Ang University of the Philippines ay hindi nagpapahuli sa pag recruit ng mga magagaleng na manlalaro sa larangan ng Basketball. Ayun kay Bo Perasol, UP head coach, nakuha na nila ang commitment ng dalawang kabataan mula sa National University -Nazareth School (NU) na ang 6’ 7 inches tall na si Carl Tamayo at ang 6 ‘0 inches tall na si Gerry Abadiano.
Ang dalawang binata ay parte ng NU’s 16-0 winning streak na ipinanalo ng team nila ng junior’s title sa UAAP Season 82. Ang grupo din nila ang nanalo ng gold medal sa Palarong Pambansa at sa National Basketball Training Tournament. Higit sa lahat, ang dalawang ito ay naging parte din ng International Basketball Federation Asia Under-18 Championship at ang U19 World Cup sa Greece.
Ang dalawang ito ay siyang magbubuno sa kawalan na naidulot ng paglisan nina Juan and Javi Gomez de Liaño ang dalawang magkapatid sa postponed na UAAP Season 83 dahil sa mga personal na dahilan.
Si Perasol ay nasa ika-apat na niyang taon sa UP fighting maroons. Ninanais niyang maging mas handa para sa susunod na pagbukas ng UAAP Season 83 later on this year. Alam niya na matindi ang kumpetensiya ngayon dahil nandyan ang La Salle,Ateneo, UST, Adamson at FEU sa laban. Hindi maaring magkaroon ng masyadong kumpiyansa at kailangan mo ng matinding stratehiya para makapasok ang UP sa Final Four.
Ang problema sa UP ayun kay Perasol ay ang kawalan sa pagpapatuloy ng programa. Tuwing may pagbabago sa coach ay nag iiba narin ang plano at hindi naipapag patuloy yung mga magagandang practices nung umalis. Ang trabaho ng college coach ay ma-isigurado na sustainable yung mga player ng team, alam mo dapat sino paalis at sino ang mga papasok.