
Ang Gilas Pilpinas Men at ang Japan ay may guaranteed spot na sa FIBA 2023. Ito ang unang beses na maraming mga bansa ang mag hohost nitong palaro. Ang sabi ng FIBA na ang dalawang bansang ito ay maari ng lumahok sa main tournament event as direct qualifiers.
Ang Pilipinas ay huling nag host ng FIBA World Cup noong taong 1978 samantalang ang Japan naman ay noong taong 2006 lamang. Sa tatlong host countries, ang co-host na ang bansang Indonesia ay nganganib ang pwesto sa 2023 FIBA World Cup at mag ququalify lamang ito sa pamamagitan ng FIBA Asia Cup 2021. Batay sa mga patakaran kinakailangang nilang lagpasan ang qualifiers. Ang qualifiers ay na-postpone dahil sa covid 19 pandemic. Kailangan din ng Indonesia na makaabot sa Top 8 o sa quarterfinals ng FIBA Asia Cup para makapag laro sa 2023 FIBA World Cup.
Kung makamit ng bansang Indonesia ang Top 8 spot, ang bilang ng spots na nakareserba para sa Asia Pacific Teams sa FIBA World cup ay magiging isa na lamang.
Matatandaan din natin na mahigit 2 years ago na ng sinabi ni Coach Chot Reyes na ninais niya ang “23 for 2023 “ na grupo ng mga talented young men na magiging kabilang sa Gilas Pilipinas team sa FIBA World Cup. Bilang National Coach noon , minarapat nitong makamit ang “the best of the best” ngunit pagkatapos lamang ng anim na buwan eh natanggal na din si Reyes dahil sa kanilang kaguluhan laban sa Australia.
Ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay napilitan baguhin ang programa at mga players nito sa pamumuno ni Coach Tab Baldwin. Sa mga susunod na taon ay ang mga original players na pinili ni Baldwin ay makakapag laro pa sa FIBA World Cup 2023 o mag-iiba ba sila ng mga manlalaro? Ating subaybayan ang mga kaganapan sa mga susunod na balita.