
Lungkot ang naramdam ng mga Pinoy One Championship Fight fans dahil sa matinding pagkatalo ng crowd- favorite, Filipino-Kiwi fighter na si Mark Abelardo. Naganap ang laban sa One Championship noong Biyernes ng gabi sa Bangkok, Thailand kung saan ang bansang ito ay kilala bilang numero uno sa pag pigil at pag-kalat ng covid 19 kaya’t ang mga ibang events ay patuloy parin nagaganap ng may mga mahihigpit na patakaran na sinusunod.
Ang pagkatalo ni Abelardo ang 2nd -straight defeat nito mula ng matalo ito ng Brazilian newcomer na si Fabricio Andrade, isang former muay-thai champion. Nahirapan si Abelardo talunin si Andrade mula nung 1st round pa lamang dahil sa napaka bilis at matinik na mga galaw nito.
Hindi na pinatagal nito ang laban kaya ng umabot sila sa Round 2 at naipit ni Andrade sa isang choke hold ay wala ng choice ito kung hindi mag tap out sa marking 1:13 mins.Si Andrade ay umakyat ng 4-2 sa kanyang mixed martial arts career samantalang si Abelardo naman ay napababa ng 19-8 dahil sa kanyang pagkatalo.
Sa ibang bahagi ng event ay makikitang nadepensahan ng mabuti ng mga World Champions na sina Champions Rodtang Jitmuangnon and Petchmorakot Petchyindee ang kanilang mga titulo pagkatapos nilang matalo ang kanilang mga bagong kalaban.
Samantalang sa larangan ng women’s atomweight fight ay madaling natapos ni Stamp Fairtex ang laban nila ni Sunisa Srisen sa pamamagitan Technical Knockout pagkaraan ng 3:59 mins sa opening round pa lang.
Ito ang unang live event ng One Championship -MMA sa gitna ng covid 19 pandemic.