Ang Chooks-to -Go Pilipinas 3 x 3 League ay officially nabigyan na ng Professional Status ng Games and Amusement Board (GAB). Ito ay nabigyan ng bago estado ilang buwan nalamang bago ang 2nd season nito sa Setyembre. Ito ay magkakaroon ng tatlong “conferences” hanggang Pebrero 2021. Magkakaroon ng 12 teams per “conference”.
Ayun kay Commissioner Eric Altamirano, ang pagbibigay ng approval ng GAB ay magbibigay daan para sa ating mga local players para magkaroon ng pagkakataon maglaro bilang professional sa pamamagitan ng 3 x 3 league.

Ang liga ay binuo ni Chooks-to-Go boss na si Ronald Mascariñas at ang unang laro nito ay naganap noong nakaraang taon na may layunin magbigay ng puntos para sa Tokyo Olympics.
Ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay bawal pa muna mag ensayo ngunit mayroon ng nakalaan na mga plano para sa kasiguraduhan ng mga kalusugan ng lahat ng tao na kasali sa ligang ito.
Ang mga laro ay magaganap sa loob ng Inspire Sports Academy sa campus ng National University sa Calamba Laguna. Ang Academy ay magsisilbing “bubble” kung saan hindi basta makakalabas o makakapasok ang kung sino mang tao until matapos ang second leg.
Dagdag na isinaad ni Altamirano na ang “bubble” ay inihahantulad sa ng National Basketball Association ng Amerika (NBA) kung saan ang mga manlalaro ay magkakaroon ng covid 19 rapid or swab testing sa gitna ng 5- 7 araw bago sila pumasok ng “bubble”. Mayroon din silang plano kumuha ng Doktor na nirekomenda ng University of the Philippines (UP) para mamuno sa kanilang “emergency contingency plan” at sa lahat ng safety protocols nito laban sa pandemic.