
Ang 22–year old na Ateneo Lady Guard na si Trina Guytingco ay nag positive sa Covid-19 makalipas makaramdam ng symptoms ng nakakahawang sakit tulad ng lagnat, sore throat, sakit ng ulo, loss of appetite, sakit ng katawan at kawalan ng panlasa. Ito ay makalipas niyang mag-participate sa 3- day Women’s Basketball Camp sa Las Vegas, Nevada.
Ika ng dalaga “About three weeks ago, I attended a basketball camp in Vegas. I spent three days with a whole bunch of women, just playing basketball,” she shared.
She then continued, “A couple of days later, I started feeling sick. Then I received news that one of my teammates (from the camp) tested positive.” Ito ang sinabi nito sa latest episode ng So She did !.
According to Guytingco, She was being very careful in practicing social distancing ,wearing face masks, and washing her hands diligently kaya never niyang inakala na siya ay magiging positive.
Ang pamilya nito ay nakatira sa Pleasant Hill, California simula nung nag lockdown sa Pilipinas. Bagama’t libre ang rapid testing nito, inabot parin ng ilang araw bago lumabas ang resulta. Habang inaantay lumabas ang mga resulta, ang kanyang pamilya ay hindi tumigil sa pag-aasikaso sa kanya hangga’t sa naging mas mabuti na ang kanyang pakiramdam. Ang nanay niya ay pina -inom siya ng ginger tea, cinnamon, iba’t ibang klase ng multivitamins at probiotics araw-araw. Unti- unti namang bumuti ang kanyang pakiramdam.
Pagkalipas ng ilang araw noong Huwebes, ay lumabas naring muli ang resulta niya at finally, it is negative for Covid. Malaking ginhawa ang naramdaman niya dahil sa mabuting balita na ito. Natapos na ngayon ang 14-day mandatory self-quarantine niya nguni’t patuloy parin na nag-iingat si Guytingco lalo na at ayaw na niyang maranasan muli ito o makahawa ng ibang tao. Nakakapag lakad-lakad na siya sa labas ng nakasuot ang mask at batid niya nahindi parin natin alam kung paano talaga kumikilos ang virus na ito at kung kailan tayo ligtas.