Usapang Rustom-Piolo pa din tayo mga ka-chismis at mukhang hindi pa mananahimik ang isyung ito. Not anytime soon. Ngayon pang gagawing serye ni BB ang lahat sa kanyang Vlog.
Umani ng sari-saring reaksyon ang mga netizen kabilang na ang mga local celebs sa isyu ng pagsisiwalat ni BB Gandanghari sa naging encounter ni Rustom at PJ sa San Francisco. Parang mas lamang ang nega kesa sa mga pumapalakpak.
Isa na dito si Ms.Ai na naging malapit din noo kay Rustom. Nag direct message (DM) siya kay BB at sinabi nitong mag-move on na. Nananahimik na daw si Jonathan kaya tigilan na niya ang ginagawang pagsisiwalat sa nangyari sa kanila noon 2001. Hindi naman yata nagustuhan ni BB ang kanyang sinabi at ang reply niya kay Ai-Ai ay, ‘hypocrite. Wala kang alam tungkol sa lahat so manahimik ka na lang’. Ikinalungkot naman ito ni Ai at sinabing nagbago na nga ito.
Eh si Paolo Ballesteros naman ano ang masasabi sa pangyayari? Nega din kasi ayon sa kanya, katulad ni Ai ay agrabyado si Piolo na nanahimik lang naman. Ayan o hangga ngayon wala kang maririnig sa kanya.
Pero binigyan nya pa rin ng benefit of the doubt si BB. Para sa kanya baka naikuwento lang ni BB ang mga nangyari sa kagustuhan niyang maintindihan ng madlang pipol kung paano siyang naging si BB. 2020 na ngayon. Accepted na ang same sex relationships. Eh hindi nga ba at pwede na ring ikasal ang mga ito, ayon pa kay Paolo.
So hashtag, lovewins!
Image by: rappler