Nalurkey daw si Jun Lalin sa isang video na ipinadala sa kanya ng isang fan. Teaser daw ito ng bagong serye na gagawin pa lang nila Richard Gutierrez at Bea Alonzo, ang “Kahit MInsan Lang’.
Tinanong ni Jun Lalin ang mommy ni Chard na si Anabelle Rama at nagulat din ito sa balita. Malinaw na sabi sa video na ngayon September na ito eere. Tinanong naman ni Jun ang taga Star Creatives at sinabi nila na hindi rin daw galing sa kanila ang naturang video. Sabi rin ng taga Star Creatives nan aka lock-in pa si Chard sa Ang Probinsyano. Pag natapos ito saka pa lang pwedeng simulan ang ibang projects ni Chard. O sya, patayin na si Kardo Dalisay!
Ang galing daw ng pagkakagawa ng teaser na iyon. Mapapaniwala ka talaga. Ang mga litrato ay galing pa sa trade event ng ABS CBN last year. Andoon sa video ang mga kasama ni Chard at Bea na sila Rafael Rosell, Jameson Blake, Christian Bables pati sila Edu Manzano, Dawn Zulueta, Isabelle Daza, Roxanne Barcelo, Jennica Garcia, Ana Abad Santos, Nonie Buencamino at Helen Gamboa.
May balita rin naman na malapit nang tapusin ang “Ang Probinsyano” kaya baka rin malapit na mag taping ang Kahit Minsan Lang. Grabe ha, sa tagal na sa ere ng Ang Probinsyano ni Coco Martin ay mukhang malapit lapit na itong mamahinga.
Mga Ka-Chismis, makikita na ba natin ang kamatayan ni Cardo? Este ng programang ito? Stay tuned!
Image by: star cinema