Ang taong 2020 talaga sa pakiwari ko, ang pinakamabigat na naranasan nating lahat. Sa dami ng mga hindi kanais nais na pangyayari. Ang pinakamatindi, ay ang pagpasok at paglaganap ng COVID 19 virus. Naiba ang takbo ng buong mundo.
At ito nga, magkasunod na namaalam ang dalawang sikat na You Tube Vloggers na sina Emman Nimedez at Lloyd Cadena. Si Emman ay namatay sa sakit na Acute Myeloid Leukemia samantalang si Lloyd naman ay kumpirmadong tinamaan ng Covid 19 pero ang ikinasawi naman ay cardiac arrest.
Sa dalawa, mas nangibabaw si Lloyd dahil hanggang sa Amerika ay nagluksa ang sikat na sikat na celebrity na si Mariah Carey sa kanyang pagkamatay. Dito din sa atin ay bumuhos ang mga local celebrities na nakiramay sa kanyang maagang pagpanaw na sina Vice Ganda, Sharon Cuneta, Maine Mendoza, Kim Chiu at Alex Gonzaga. Laking sisi nga ni Ate Sha at ni Vice Ganda na hindi na naibigay ang regalo nila para kay Lloyd.
Sa kanyang tagumpay sa vlogging ay nakuha niyang pauwiin ang kanyang OFW na ina para naman makapagpahinga na sa paghahanapbuhay para sa kanila. Sa katunayan ay nakapagpatayo na si Lloyd ng sarili nilang bahay. Ang kaniya din tatay ay isang OFW sa Qatar.
Ang tanong, ano ba ang nangyayari sa mga YT Channels ng mga wala na sa mundo? Tuloy pa din ba ang mga kita nila at kanino na mapupunta? May sagot po ang Google sa katanungan na yan. At ang alam ko eh makikipag-usap sila sa mga pamilya ng namayapa.
RIP Emman and Lloyd!
Image by: ABS CBN