Marami na ang nagtatanong kung ano na talaga ang balita sa pagbabalik ng Queen of all Media na si Kris Aquino. Lahat na lang yata ng projects ay puro nauudlot. Bakit kaya?
Ang Love Life ni Kris sa TV5 ay inaabangan na ng marami pero yun nga ang balita mula kay Perci Intalan na taga TV5 mismo ay wala pang pasabi kung ano ang next move ng kampo ni Kris. Hindi niya alam ang status kumbaga. Kasi wala pa rin palang sinasabi sila Kris. Mayroon nang promo materials, teasers at nakipag meeting pa kay Raffy Tulfo di ba?
Eto na mga ka-chismis, mukhang malabo na talaga makita si Kris sa ere ngayong 2020 kasi ayon sa kanyang doktor ay hindi safe para sa kanyang kalusugan. Opo, health ang rason kung bakit. Ay oo naman kung ayaw pa ni Kris na mamahinga ng tuluyan sa mundo eh manahimik muna siya at sundin ang utos ng kanyang doktor.
Ang balita din ay nasa Tarlac si Kris kasama ang kanyang mga anak na sila Bimby at Joshua. Mas maganda ang hangin sa probinsya. Makakabuti sa kalusugan ni Kris. Sinasabi naman niya noon pa man na mas priority nito ang mga anak at ayaw nitong mawalan sila ng ina nang mga bata pa.
Hindi nga ba at very susceptible siya sa mga viruses dahil sa kanyang sakit na Lupus? Si Covid 19 hindi pa naman umaalis sa paligid kaya mahirap na mahawaan si Kris.
So, see you next year Ms. Kris?
Image by: ABS CBN