Parang kalian lang na nalungkot ako sa balitang paghihiwalay ng isang idol na mag-asawa sa mundo ng showbiz. Isa sila sa hindi agad napaghiwalay at kinain ng sistema. But sadly, naghiwalay din.
Sa That’s Entertainment ni Kuya Germs noon, ang galing galing nila eh. Kumanta, sumayaw at magpakilig ng fans. Actually, So Romnick Sarmenta noon ay kay Sheryl Cruz ipinareha. Kay Harlene parang wala naman or hindi lang siguro sumikat noon.
Marami ang natuwa na sa huli ay sila ang nagkatuluyan. Nabiyayayaan ng mga anak at naging matibay ang pagsasama. Two years ago, ibinalita nila ang mutual decision na ipawalang bisa na ang kanilang kasal.
For a while wala naman tayo nabalitaan na may ipinalit na ang isa’t isa sa kanila. Until noong Mayo 2020, tumunog ang balitang may ipinalit na si Harlene kay Romnick. Ang salarin – Neil Eugenio, dati rin nilang kasamahan sa That’s. Sorry po, parang hindi ko siya kilala. Anyways, hindi daw aprub ang mga anak niya kay Neil at hindin rila nagtagal. Ito lang buwan na ito ay inamin na ni Harlene at Federico Moreno (ampon ni Kuya Germs) na isang buwan na ang kanilang relasyon. Ambilis ano mga ka-chismis?
Si Federico ay matagal na palang hiwalay sa asawa nito na kapatid nila Shaina Magdayao at Vina Morales. Samantala, si Romnick naman ay mukhang may may-ari na ng puso sa katauhan ni Barbara Ruano na mabuti na lamang at nakawala na sa magulong relasyon niya sa Eraserhead member na si Marcus Adoro.
As of writing, hindi pa granted ang annulment nila Harlene at Romnick.
Image by: Facebook photos