Isang dekada na si Jose Sarasola sa ABS-CBN, at ngayon ay isa na siyang Kapuso na pumirma na ng kontrata sa Siyete noon lamang June. Nakilala si Jose bilang contestant sa ‘Pinoy Fear Factor’ ng Dos.
So ano kaya ang dahilang ng kanyang paglipat?
Ayon sa celebrity chef, wala daw kinalaman ang pandemic sa kanyang paglipat. Ang gusto lang daw niya ay magamit ang kanyang culinary skills bilang isang chef na hindi niya nagawa sa sampung taon na nasa Kapamilya network pa siya. Kasama siya sa Alyana, Guns and Roses and One More Try. Nakita ko na din siya sa Magandang Umaga Bayan.
Sa Kapuso Station masaya siya kasi ang mga prominenteng cooking shows na masasalihan niya at maipakita ang galing niya sa pagluluto ay ang Idol sa Kusina ni Boy Logro, Mars at Unang Hirit. Ang restaurant naman niya sa BF Pque na 75 Sports Bar ay bukas kahit na humina ang benta dahil sa lockdown.
Sila pa rin naman ng girlfriend niyang si Maria Ozawa kahit na long distance relationship (LDR) ang peg ng dalawa dahil nasa Japan ngayon si Maria. Going strong pa rin sila kahit na nababanggit pa rin ang isyung dating porn star ang kanyang nobya. Para sa kanya past is past at hindi yun magiging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Natatandaan din na nagkaroon umano si Maria ng one-night-stand kay Cesar Montano.
Ang importante daw ay ang ngayon at ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa. Sabel, this must be LOVE!!!
Image by: gma network