Nag-post si Kim kasama ang motor niya na ginagamit sa pagpasok sa ABS-CBN. Sa naturang post, ay nasa harap siya ng naturang network.
May isang netizen naman na nag komentong, ‘move on na Kim’. Hindi ito nagustuhan ni Kim at nagsabing, ‘buhay pa ang ABS-CBN gusto mo iwanan ko? God bless you’. AY, Kuya Kim, tama nga ang netizen. Wala na po ang ABS-CBN. Sarado na. Hindi mo lang matanggap.
Pinayuhan si Kim ng mga kaibigan at kasamahan na huwag nang patulan ang nasabing netizen. Oo nga tama lahat ng payo sa kanya. Sana hindi na niya sinagot ito. Ang labas tuloy ay isa siyang ‘Diether Ocampo’ o bitter sa pangyayari.
Paanong buhay pa eh naglilipatan na nga ang mga artista nila sa ibang channels. At ang mga regional channles ng Dos eh mga nagpapaalam na rin. Pati na ang radio frequencies nila, DZMM at maski ang regionals titigil na rin sa pag-ere. Si Anthony Taberna nga at Gerry Baja nasa TV5 na. Susunod na yata si Manong Ted Failon na makikita at maririnig sa Radyo 5.
Sa August 31 ang last day ng mga naiwan na na-retrench na talents at employees ng ABS-CBN.
Tuluyan naman nang ibinasura ng Kongreso ang request for reconsideration ng management ng istasyon sa pag renew ng kanilang prangkisa. To make the story short, wala na nga po ang ABS-CBN Kuya Kim, so wake up!
Photo credit: pep.ph
https://www.pep.ph/news/local/153522/kim-atienza-abs-cbn-a718-20200828?ref=home_feed_2