Dahil nga sa pagkakatanggal niya bilang isang filed reporter ng ABS-CBN, rumaraket ngayon si Bernadette sa paggawa ng mga kanta. Katulad ng karamihan sa mga talents at empleyado ng ABS-CBN ay hanggang August 31 na lamang sila.
Good thing is, news anchor pa rin naman siya ng TV Patrol. Mananatili pa rin siya doon. Ang nabago lang at mamimiss niya ay ang field reporting.
Kung may malungkot na balita ay mayroon din namang masaya. Sa ngayon kasi ay hinihintay ni Badette ang approval ng membership niya sa FILSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers). Pag nakuha na niya iyon any magiging certified songwriter na rin siya. Napanood ko na din si Badette kumanta at may “K” rin ha.
Naalala ko na galing ng GMA7 itong si Badette. At lumipat lang siya sa ABS CBN nang dahil sa isang news na ibinalita niya sa Kapuso station na pinaboran ang subject. So alsa balutan ang beauty niya. Nakabuti ba naman ang paglipat niya? For a while, I guess. Pero sa nangyari sa Dos, ang mga nagsilipatan ba ay walang halong pagsisisi na nararamdaman?
Mahalaga kahit paano ang loyalty sa industriyang ito pero parang karamihan naman sa kanila ay hindi pinapraktis iyon. Kaya, hala, lipatan ng lipatan. So ano kaya ang kanilang saloobin sa lahat ng pangyayaring ito?
Pakisagot, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Iza Calzado,Angel Locsin, Richard Gutierrez, Paolo Avelino, at marami pang iba.
Image by: balitangviral.com