Natatandaan ninyo pa ba si Jinri Park mga ka-chismis? Isa siyang Korean model and VJ na sinubukan ding maging artista. Naging FHM’s sexiest 7 din siya noon. Aliw na aliw ako sa kanyang accent noong napapanood ko pa siya sa tv. Baluktot ang Tagalog pati na ang English niya.
Masasabi naman na naging maganda ang buhay niya ditto. Glamoroso pa nga kasi nag-aattend ng mga events, naghost at umarte rin sa telebisyon si Jinri. Hindi man siya naging super sikat eh nakilala din naman siya dito. Huli ko syang nakita sa isang tv show na kasama yata sila Vic Sotto.
Kamusta naman na ngayon si Jinri Park?
Sa Australia na pala siya naka base kasama ang kanyang asawa. Okay naman ang trabaho ng kanyang asawa doon so bakit niya kailangan pang magtrabaho blang waitress? Hindi naman daw niya ikinahihiya ang trabaho nya sa iyon. Para sa kanya marangal ang pagiging isang waitress.
Marami pa raw siyang gustong marating sa buhay at hindi niya iaasa lahat sa asawa ang mga iyon. Nakapagtapos na siya ng Hotel and Resraurant Management pero mag-aara pa rin siya ng ibang course to broaden her horizon. Ay kasipag na bata. Kailangan daw niyang magsipag kasi mahal ang tuition fee sa Australia.
Ang mga may mga ganitong determinasyon ang dapat tularan ng mga kabataan natin ngayon. Magbanat ng sariling buto at hindi umasa lamang sa magulang, kapatid, o asawa. Sa ganoon mo rin malalaman ang value ng pinaghirapan mo.
Photo credit: mb.com.ph