Yan na nga ba sinasabi ni Elizabeth Oropesa eh, na hindi deserving itong si John sa tulong na binibigay ng mga mapagkawangawang artista. Eh di tama nga siya?
Dahil sa concerted efforts nila Chuck, Nadia at Aster ay nakalikom sila ng karampatang pera na nagamit sa hospital billas ni John nung na-confine ito. Walang binayaran dito si John dahil na cover ng nalikom sa donasyon. Bukod pa dun ay me sobra pang magagamit naman sa mga gamut na kakailanganin niya.
Kaya lang mukhang sa kasong ito, ikaw na nga ang tumulong eh ikaw pa ang nagig masama. Ganyan ang nangyari sa tatlo na matapos bumuo ng fund drive para kay John ay naakusahan pa na nagbulsa ng perang laan para sa kanya.
Pinalalabas ni John sa isang radio interview na wala siyang natanggap ni sinking duling sa mga donasyon naa nasabi kahit na humihingi siya kina Aster, Nadia at Chuckie. Sa puntong ito ay sumuko na ang tatlo sa pagtulong. Ang ginawa nila ay nag turn over ng pera sa assistant ni John na si Teddy Imperial. At me deposit slip sila na hawak to prove na me binigay silang pera. Binigay din nila kay Teddy ang list of donations. Hindi na nila alam kung ipinakita o ibinigay ni Teddy ito kay John.
Pagdating talaga sa pera makikita mo ang totoong ugali ng isang tao. There is indeed truth in the saying that ‘Money is the root of all evil’.
Photo credit: kami.ph