Dahil sa pagsasara ng ABS-CBN, ang tanong ng marami, ano na ang mangyayari sa mga sikat na serye at shows nito? Isa ang Home Sweetie Home ni John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa pinagiisipang ilipat sa ibang channel. Ang tanong – saan?
Bilib din naman ako sa programang ito sa totoo lang. Kasi alam nating lahat na noong sumabog ang balitang buntis si Ellen Adarna kay Lloydie, ay bigla na lang nitong iniwan sa ere ang show. Kung sino sino na ang ipinasok kapalit ni JLC. Nariyan si Luis Manzano at noong huli ay si Papa Piolo Pascual. Ang akala ko nga noon titiklop na ito sa pag alis ni Lloydie. Taliwas sa hinuha ng karamihan, nagtuloy-tuloy pa rin ang show maski na sino ang ilagay na kapalit ni JLC.
Ngayon, me usap-usapan naman na kinukuha ng TV5 ang show. Pwede na rin naman dahil nakabalik na si Lloydie sa showbiz. Nag move-on sa silang pareho ni Ellen Adarna. Katunayan, me ibang papa na si Ellen. Si JLC? Wala pa akong naririnig na chika mga ka-Chismis. Malaya namang nahihiram ni JLC ang kanyang anak kay Ellen.
Wala pang confirmation lahat ng chika tungkol dito kaya abangan na lang muna natin.
Samantala, ang mag besties na JLC at Wilma Doesn’t naman ay nag bonding sa isang beach resort kasama ang mga anak. Matagal na raw silang huling nagkita. Gawa na tyo ng pelikula! Ang biro ni Wilma. Teka lng, siguro pwede yan matapos lang ang pandemic na ito.
Photo credit:teleseryelive.tv