Usapang Darna pa rin tayo. Dahil sa napabalitang pag-shelve ng ABS-CBN sa pelikula, bulong-bulungan naman na i-ooffer na lang sa ibang network para gawing serye para naman mabawi ang P140M na nagastos na para dito.
Mula sa paglipad ni Angel Locsin sa GMA 7 hangggang sa paglipat niya sa ABS-CBN ay siya pa rin naman ang napusuan na gumamit sa role. Kaya nga lang dahil sa slip disc niya eh impossible na mangyari kaya sino-sino na ang ipinalit. Magkagayon man, hindi pa rin nakalipad si Darna. Andyan si Liza Soberano, na para sa akin eh hindi bagay kasi nga mestiza. Si Jane De Leon naman pwede na kaso ayan hindi na itutuloy ng ABS-CBN. So ano ang mga scenarios na pwede mangyari?
Una, tuluyan nang itago at kalimutan ng panahon, o ibigay ang rights sa iba at baka pwede nila namang gawing pang telebisyon?
Isa si Sanya Lopez sa napipisil noon na gumanap bilang Darna. Sa akin, oo babagay sa kanya ang role. Besides napatunayan na niya na kaya niya maging si Darna dahil sa role niya bilang si Danaya sa sikat na sikat na serye sa GMA 7 noon na ang Enkantadia.
Para naman sa dalaga, inaamin naman niyang pinangarap niya ang role. Sabi pa rin niya na kung sa kanya mapupunta magiging masaya siya pero ang sigurado ay deserving ang mapipili ng ABS-CBN. SO ngayon na na-shelve na ang pelikula, sana nga ay gawin na lamang ito teleserye ulit.