Trending ang pinost ni Baninay Bautista na positive siya, kasama ng boyfriend niya pati ang pamilya niya sa Covid.
Kaya naman, sumabog ang galit ni Pokwang dahil nga nag guest pa kamakailan (Aug.16) si Baninay sa programa nila ni Jose Manalo sa TV5 na Fill in the Blank. Eh kahit ako siguro mag-papanic din noh!
Yun naman pala eh late upload yun dahil July 16 pa ginawa ang vlog, hindi lang inupload agad. Ayon pa din kay Pokwang, August 2 declared negative na si Baninay. SO ano ang purpose ng ginawa ni Baninay? Eh di gumawa ng ingay. Nagtagumpay naman siya di ba? Hindi nga lang sa tamang paraan.
July 16, nagpa-test, July 21 nag-positive at August 2, okay na negative na ang resulta. August 16 nag guest sa Fill in the Blank, so practically, safe na di po ba? Pero kasi nga hindi naman ganyan idinitalye ni Baninay kaya ganyan. Maski nga ibang publication kinagat ang post ni Baninay. Eh kung hindi nag react si Pokwang malamang, mas malaking takot ang idinulot ni Baninay sa post niya sa mga nakahalubilo nyang mga tao.
Galit na galit din si John Lapus sa ginawa ni Baninay. Sana man lang daw ang title ng vlog niya hindi I AM POSTIVE kundi, I WAS POSITIVE. Hindi umano pinag-isipan ng maige ni Baninay ang ginawa. Tinawag niya si Baninay na napaka gagang!
As of writing, walang pang reaksyon si Baninay tungkol dito.