As of press time ay hindi na itutuloy ang pagbibidahan sana ng dalaga sa pelikula na Darna kahit na malaki na ang nagastos para sa production nito.
Malaki na rin ang hirap na dinanas niya makuha lang ang role. Noon namang nagsimula na ang shooting, ang dami rin nilang mag-inang sinuong para lang makapunta sa mga location shoots. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Dahil sa nabinbin na project, ano na ang ganap kay Jane?
Paglilinaw naman ng isang co-manager ni Jane, hindi sila nagpapa-release sa Star Magic. Mayroon ngang international offer na dumating para sa dalaga. At me plano rin ang ABS-CBN na gawing online serye at sympre si Jane pa din ang gaganap bilang Darna.
Karamihan sa mga Kapamilya ay makikita natin ulit sa TV5. Ang iba naman sa GMA 7. Nag-guest kamakailan si Jane sa program ani Luchie Criz-Valdes sa TV5 at doon inilahad ang mga naging paghihirap na dinanas sa shoots ng Darna.
Mukhang bagay naman sa kanya ang lumipad bilang si Darna. Hindi siya mestiza, at hindi rin naman maitim. Sa gitna lang kung baga, pwedeng-pwede dahil laha talos ng gumanap na bilang Darna ay Pilipina ang dating.
Matagal tagal na rin sa industriya ang dalaga. Pero ito sanang Darna ang magiging daan niya para lalong lumipad ang career niya kaya sayang din. Pero malay din naman natin? Mag serve as blessing in disguise ang nangyari at magsusunod-sunod ang projects sa ibang paaraan.