Sa loob ng pitong taon, ay ilang beses nabago ang lead stars, director, at script ng pelikulang ito na nagpasikat kay Angel Locsin. Pero ayon sa pep.ph, hindi na ito muling makakalipad.
Mula sa GMA 7 kung saan nakilala at namayagpag si Angel Locsin blang Darna, ay nakuha naman ng ABS CBN ang rights nito noong 2013. At dahil lumipat na si Angel sa bakod ng ABS CBN nang panahon na iyon, siya pa din ang pinili ng Dos na gaganap sa papel na Darna. Excited si Angel na muling gampanan ang papel na tumulong sa kanyang buhayin ang kanyang pamilya. Pero noon 2015, nag announce ang ABS CBN na papalitan na si Gel ng ibang artista dahil na rin sa na-trigger na spine injury nito. Kahit na nagpagamot si Gel sa ibang bansa, pinayuhan pa riin siya ng kanyang doktor na hindi na sya pwd gumawa ng mga mabibigat na stunts. Malungkot man ay binitawan na ito ni Angel noong 2017.
Nang sumunod na taon, napili naman nila si Liza Soberano na gumanap bilang Darna. Pero naantala pa din ang pag shoot nito dahil pinalitan na nila si Eric Matti bilang director at ipinalit si Jerrold Tarrog ng Heneral Luna.Ni-revise nya ang script pati na ang costume na gagamitin ni Liza. Pero Abril ng 2019, nagbitiw na rin si Liza for health reasons.
Nagpa-audition ang Dos para dito at napili nila si Jane De Leon. Naka 16 shooting days na din si Jane bilang Darna pero muli naman itong naantala dahil sa pandemic. At dahil sa lumobong budget, mukhang hindi na kayang bawiin pa ito ng Abs Cbn.