Kabi-kabila man ang paglipat ng mga kasama niya sa hanapbuhay dahil sa pagkakansela ng prangkisa ng ABS CBN, mananatili namang Kapamilya pa rin ang aktres na si Bea Alonzo.
Taliwas sa mga napapabalitang lilipat na siya sa TV5, tuloy na tuloy ang seryeng ‘Kahit Minsan Lang’ sa online Kapamilya Channel. Ito ang kinumpirma ni Christian Bables na makakasama niya sa naturang serye. Ayon din sa producer nito, naantala lang ang shooting, pero pag maayos na ang lahat at kahit paano ay safe ang lahat ng magiging involved dito ay matutuloy na ito. Hindi nga lang pa nila alam ang eksaktong date ng shoot.
May mga projects din si Christian na na-shelve muna dahil ng sa pandemic. Pero mayrroon isang matutuloy na ngayong Agosto. Marami din naman syang tinaggap na endorsements at mga zoom shoots. Kung tungkol sa kanyang career ay bahala na daw ang manager na si Tito Boy Abunda. Ang pinagkakaabalahan ni Christina ngayon ay ang pagbuo ng kanyang sariling channel sa You Tube.
Samantala, si Bea naman ay busy sa pagkakawangga. Parte sya ng I Am Hope Foundation kung saan tumutulong sila sa lahat ng nangangailan partilkular sa mga naapektuhan ng pandemic lalong lalo na ang mga frontliners.
Nitong June, nag donate ang I Am Hope Foundation ng essential items para sa mga frontliners ng Pasig City. Nagkita sila ng mayor ng Pasig na si Vico Sotto. Natuwa naman ang mga fans at ginawan pa sila ng #BeVico.
Malaki ang respeto ni Bea kay mayor Vico kaya hiyang hiya naman ang dalaga sa panunukso ng mga ito.