Hindi pa man din nagsisimula ang sinasabing pagbabalik sa telebisyon ng Queen of all Media na si Kris Aquino ay heto ang balitang hindi na naman daw matutuloy ito ayon sa isang TV5 insider na ibinahagi sa philstar.com.
Wala pa namang pahayag si Kris sa balitang ito. Sa kanyang pinakahuling post sa Instagram ay nagbahagi sya ng preview ng supposed to be program nya na ‘Love Life with Kris’. Nagpasalamat pa sya at sinabing magkakaroon na siya sa wakas ng bagong simula sa pamamagitan ng show na ito.
Ibinahagi din nya sa kanyang Instagram ang pagkikita nila ng tinagurian nyang King of Public Service na si Raffy Tulfo sa loob mismo ng TV5 studio. Nagpasalamat sya kay Raffy at sa buong staff nito dahil pinagamit sa kanya ang conference room ng kanilang show. Lalo siyang humanga kay Tulfo na personal siyang hinarap pagkatapos ng kanyang promo shoot. Mas lalo umanong napatunayan ni Kris ang pagiging gentleman ni Raffy sa pagkakataong iyon.
Bago pa sa kanyang pagpunta sa TV5 ay inihayag ni Kris ang kanyang ‘new and exciting path to take’ kasama ang isa sa kanyang nirerespetong tao sa industriya. Mukhang ang pinatutungkulan nya dito ay walang iba kundi ang big boss ng Singko na si Mr. Manny Pangilinan.
Ang tanong, bakit na naman kaya na-cancel ito? Sa pagpunta nya at pag shoot ng promo material para sa show ay tuloy-tuloy na dapat. Ano na naman kaya ang nangyari sa dalawang panig? Abangan!