Bunsod pa din sa hindi pag renew ng prangkisa ng ABS CBN, ang isa sa matagal na umere sa Dos na programang Rated K ni Korina Sanchez ay nababalitang makikita na sa TV5.
Ayon sa source ng Abante Tonite pinag-iisipan pa ni Korina kung ang Rated K ang dadalhin nya sa TV5 or isang bagong programa.
Kapag natuloy ito ay magiging isang milestone dahil na din sa mahigit na tatlong dekada umere sa Kapamilya network ang Rated K. Matatandaang bago ang Rated K ay nauna nang napanood ang programang Balitang K with Korina Sanchez. Pareho ang format ng dalawang programang ito na naglalaman ng sari-saring kuwento ng tungkol sa mga kakaibang buhay ng mga tao at nagsilbi din inspirasyon sa mga maliliit na Negosyo.
Ayon sa post ni Korina sa kanilang Instagram page, “Kidding? No way! Rated K will live on one way or the other. For us. Most especially for You!’. Kasama nya sa litrato sa post nya sa Instagram ang kanyang buong team.
Unang nasilayan ang programa sa ABS CBN noong May 16, 2004 at ang huling episode naman ay nang nakaraang May 3, 2020 lamang. May replay broadcast ito sa DZMM Teleradyo, Jeepney TV at mapapanood sa ibang bansa sa pamamagitan ng TFC.
Sa kasalukuyan ay patuloy na napapanood ang Rated K tuwing 6:45 ng Linggo sa kanilang Facebook Page. Pero abangan natin ang susunod na kabanata ng programang ito. Malay ninyo, isang araw ay masisilayan sila sa isang malaking network?